Gumawa ang isang kumpanya sa Japan ng instant ramen na mas madaling kainin.

Inilunsad ng Nippon Ham ang Boost Noodle, isang uri ng pork ramen na dinisenyo para sa mga gamers na gustong maibsan ang kanilang gutom na hindi na kailangan na tumigil para kumain.

Nakalagay ang nasabing ramen sa isang convenient plastic pouch at kayang kainin gamit lamang ang isang kamay sa pamamagitan ng pagsipsip sa laman nito.

Ang Boost Noodle ay may special uri ng yam noodles, chashu pork, fermented bamboo shoots, sabaw ng karne ng baboy at seafood.

Ang bawat pakete ng nasabing ramen ay may sangkap na 35 milligrams ng caffiene.

-- ADVERTISEMENT --