Umakyat na sa 11 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa RO2.
Ayon kay Dr Leticia Cabrera ng DOH-RO2, 6 ang kaso sa Cagayan, 4 sa Isabela at isa ang namatay sa Nueva Vizcaya.
Kabilang sa mga bagong naidagdag na nagpositibo sa sakit ang dalawang nurse ng Cagayan Valley Medical Center at isa pa na pawang residente sa Tuguegarao City, walang travel history ngunit na-exposed kay PH275 na unang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Habang magkakamag-anak naman ang tatlo mula sa Alicia, Isabela na pawang may mga travel history sa Manila.
Ang lahat ng anim na pasyente ay naka-admit sa CVMC
Sa kasalukuyan, puspusan ang isinasagawang contact tracing sa lahat ng taong nakasalamuha ng mga pasyente upang hindi na kumalat ang virus.
ALICIA ISABELA
- PH 837- 52 y/o , Female
- PH838 – 25 y/o, Female (BUNTIS)
- PH840 – 27 y/o, Male,asawa ni PH838
TUGUEGARAO CITY
4.PH839 – 31 y/o, Female(NURSE/CVMC)
5.PH841 – 30 y/o, Female (NURSE/CVMC)
6.PH893 – 73 y/o ,Female
Sa kabuuan ay nasa 11 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa RO2 kabilang ang mga sumusunod:
PH801- 23, Echague, Isabela
PH774- 65, Solano Nueva Vizcaya (death)
PH661- 39, Tuao, Cagayan
PH662- 70, Gattaran, Cagayan
PH275- 44, Male, Tuguegarao City