TUGUEGARAO CITY-Nasa 524 na ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa Region 02 matapos makapagtala ng walong bagong kumpirmadong kaso ng virus ngayong araw, Agosto 15, 2020 batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH).

Ayon sa ahensiya, mula sa walong bagong confirmed cases, pito rito ang mula sa lalawigan ng Isabela at isa sa Nueva Vizcaya.

Kinabibilangan ito ni CV513 ,84-anyos na babae at CV514, 51-anyos na kapwa residente ng Naguillan, Isabela na parehong mula sa lungsod ng Quezon.

Si CV 513 ay nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical center sa lungsod ng Santiago dahil sa nararanasang lagnat, pagkawala nang panlasa at panghihina ng katawan habang si CV514 ay asymptomatic na kasalukuyang nasa quarantine facility.

Wala namang kasaysayan ng paglalakbay si CV515, 27-anyos na lalaki na mula sa Delfin Albano, Isabela pero mayroon nakasalamuha na dalawang positibo sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nakakaranas ng ubo at lagnat si CV515 at istriktong nakahome quarantine.

Nasa quarantine facility naman sa Cubao, Quezon city si CV516, 32-anyos na lalaki, mula sa Santiago City na lumuwas sa Maynila noong August 12, 2020 at siya’y asymptomatic.

Sina CV517 , 76-anyos, babae mula sa San mateo, Isabela, CV 518, 65-anyos, babae mula sa Bambang Nueva vizcaya at CV 519, 33-anyos, lalaki na mula sa Echague, Isabela ay walang naitalang travel history ngunit nagkaroon ng exposure sa mga nagpositibo sa virus at ngayon aypawang nakahome quarantine..

Isang 30-anyos naman at 16 weeks na buntis si CV520 mula sa San mariano, Isabela na galing sa metro Manila na ngayon ay nasa pangangalaga ng SIMC at asymptomatic.

Kaugnay nito, kasalukuyan na ang ginagawang contact tracing ng mga kinauukulan sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.