Nakubkob ng nmilitar ang pinaniniwalaang kuta ng New Peoples Army sa Ilagan City, Isabela.

Ayon kay Maj Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, Philippine Army na natunton ang lugar sa Barangay Rang-ayan matapos ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga rebeldeng grupo kasunod ng nangyaring engkwentro noong Linggo, February 16.

Matatandaang nakasagupa ng mga tauhan ng 95th Infantry Battalion ang nasa 30 rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo at pagsuko ng isang menor de edad at dalawang iba pa.

Kinilala ang mga sumuko sa mga alyas na Ka Alvin, Ka Jambi at Ka Leslie.

Nakuha naman sa encounter site ang isang M-16 Armalite rifle at tatlong kalibre .45 na baril.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat naman si Tayaban sa tulong ng mga residente na nagresulta sa pagkakakubkob sa kuta ng mga NPA.