Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na hinatulan ng korte sa Kuawiti na makulong ng 14 na taon ang suspek sa pagpatay sa Filipina na si Dafnie Nacalaban.

Sinabi ni Cacdac na hinatulan ding makulong ang tatlong iba pa na kasabwat sa nasabing krimen.

Matatandaan na noong December 31, 2024, iniulat ng Department of Foreign Affairs na natagpuan ang bangkay ni Nacalaban sa bakuran ng bahay ng kanyang employer sa Saad Al-Abdullah, Jahra.

Iniulat ng ikalawang employer ng Pinay na nawawala siya noong October 2024, matapos na hindi niya ito matawagan.

Kalaunan ay natagpuan ang naaagnas nang bangkay ni Nacalaban, matapos na idulog ito ng kapatid ng suspek sa mga pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Inamin ng suspek, isang Kuwaiti na kilalang may criminal record ang pagpatay niya kay Nacalaban.