Sa kabila ng malalakas na ulan na naranasan sa maraming bahagi ng Cebu at iba pang bahagi ng bansa nitong nakalipas na buwan, nilinaw ng weather bureau na hindi pa nagsisimula ang La Niña phenomenon.
Ayon sa the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), na ang bansa ay nasa neutral phase ng El Niño Southern Oscillation (ENSO).
Ang ENSO at tumutukoy sa natural na nararanasan na phenomenon ng climate system na resulta ng interaction sa pagitan ng dagat at atmosphere sa Central at Eastern Equatorial Pacific (CEEP).
Ayon sa Pagasa, ang ENSO ay may tatlong phases: El Niño, neutral, at La Niña.