Nagtapos sa draw ang exhibition fight nina Mannay Pacquaio at Rukiya Anpo sa sa Saitama arena sa Japan kahapon.

Ang inasahan ni Pacquaio na magaan lamang na workout ay naging mabigat na three-round test para sa boxing legend na plano na bumalik sa professional boxing ngayong taon.

Sinabi ni Pacquaio na ito ay isang magandang tuneup para sa pagbabalik niya sa boxing.

Ayon sa kanya, napagtanto niya na marami pa siyang kailangang gawin para maibalik ang kanyang galing.

Sinabi pa ni Pacquaio na nahirapan siya sa laban kay Anpo dahil sa kanyang tangkad na 6-foot habang 5’5 lamang ang Pinoy boxer.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi niya na malakas si Anpo kahit wala siyang sapat na karanasan sa boxing.

Sinabi naman ni Anpo, dating K-1 champion at martial artist, sinikap niya na patumbahin si Pacquaio subalit hindi niya ito nagawa sa kabila ng kanyang height advantage.

Sinabi niya na ito ang unang pagkakataon na labanan niya ang isang legend at malaki ang paghanga niya kay Pacquaio.

Ang laban ay itinakda sa 69-kilogram catchweight na walang desisyon ang judges.