
Naglunsad ang Thailand ng airstrikes sa pinag-aagawang teritoryo nila ng Camboadia, ayon sa Thai military, matapos na akusahan ang Cambodia ng paglabag sa ceasefire agreement na na pinamahalaan ni US President Donald Trump.
Ayon sa militar ng Thailand, isang sundalo nila ang namatay at apat ang nasugatan sa panibagong labanan na sumiklab sa dalawang lugar sa probinsiya ng Ubon Ratchathani,matapos na paputukan ang kanilang tropa ng Cambodia.
Batay pa sa pahayag ng Thai military, sinimulan na nila ang paggamit ng aircraft para sa kanilang mga targets sa maraming lugar sa Cambodia.
Ayon naman sa defense ministry ng Cambodia, naglunsad ang Thai military ng pag-atake ng madaling araw sa kanilang tropa sa dalawang lugar.
Matatandaan na sumiklab ang border dispute sa limang araw na giyera noong Hulyo, bago ang ceasefire deal na pinangunahan nina Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim at Trump, kung saan sinaksihan din nila ang paglagda sa expanded peace agreement sa pagitan ng dalawang bansa sa Kuala Lumpur noong Oktubre.
Mahigit 48 katao ang namatay at tinatayang 300,000 ang lumikas sa nasabing labanan, habang nagkakaroon ng palitan ng rockets at heavy srtillery fire ang mga tropa ng dalawang bansa.
Subalit kasunod ng pagsabog ng landmine nitong nakalipas na buwan na ikinasawi ng isang sundalo, sinabi ng Thailand na ititigil na nila ang pagpapatupad ng ceasefire pact sa Cambodia.
Sa Thailand, mahigit 385,000 na mga sibilyan sa apat na border districts ang inililikas, kung saan mahigit 35,000 ang naninirahan ngayon sa mga temporary shelter.
Mahigit isang siglo na ang border dispute ng Thailand at Cambodia, na unang ang mapa ay unang ginawa ng France noong 1907 nang sinakop nito ang Cambodia.









