TUGUEGARAO CITY- Umaasa si Hans Leo Cacdac, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na maiiuwi sa bansa ngayong linggo ang mga labi ng dalawang overseas Filipino Worker na namatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Sinabi ni Cacdac na maganda na mabilis ang proseso ng Lebanon sa pagpapauwi ng mga nasasawi na OFW.
Kaugnay nito, sinabi ni Cacdac na sa kanyang pananaw ay walang mangyayaring mass repatriation ng mga OFWs sa Lebanon.
Tumanggi pang pangalanan ni Cacdac ang pagkakakilanlan ng dalawang namatay na kapwa kasambahay dahil sa kailangan na ipaalam pa ito sa kanilang mga kamag-anak sa bansa.
Matatandaan na bukod sa dalawang namatay na Pinoy, 19 ang nasugatan.
Sa nasabing bilang 13 ang seafarers na eksakto na nakadaong ang kanilang barko sa Beirut port ng mangyari ang insidente.
Nasa embassy ang 12 sa mga ito habang ang isa ay nasa ospital.