TUGUEGARAO CITY-Nakatakdang iuuwi ngayong araw, Agosto 20 ang labi ng magkapatid dito sa lungsod ng Tuguegarao na pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Una rito, Agosto 16,2019 nang matagpuan ang bangkay ng dalawang biktima na sina John Paul Glen at Johan paul Taguibao kung saan nakitang may walong tama ng baril si Johan habang ibinaon naman ang kapatid sa isang bakanteng lote sa Barangay Maynganay Norte, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ayon kay Glenn Taguibao, ama ng mga biktima, bago ang krimen, naikwento umano ng kanyang mga anak na may kaibigan sila na nakilala lamang sa Pat at Ian na dati umanong sangkot sa pagpatay.

Dahil dito, sinabihan ng ama ang kanyang mga anak na iwasan ang mga ito.

Ngunit,sinabi umano ng mga anak na mababait ang mga ito at parehas ang interes sa pag-aalaga ng panabong na manok kung kaya’t nagpatuloy ang pagsama ng mga anak sa mga kaibigan.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat hindi pa mabatid kung ano ang naging motibo sa pagpatay, naniniwala ang ama ng magkapatid na ang kanilang mga kaibigan ang pumatay sa kanila.

Kaugnay nito, umapela si Taguibao sa mga otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang mga pumatay sa kanyang mga anak.

Tinig ni Glenn Taguibao

Ang magkapatid na taguibao ay namamalagi sa Ilocos Sur kasama ang kanilang ina habang ang kanilang ama ay naiwan dito sa lungsod ng Tuguegarao.