Naiuwi na ang mga labi ni Private Rosendo Gannaban sa kanilang tahanan sa Brgy. Divisoria, Enrile, Cagayan kaninang umaga.
Sinabi ni Army Major Rigor Pamittan, information officer ng 5th Infantry Division na dinala muna ang mga labi ni Gannaban sa kampo ng 5th ID sa Gamu, Isabela, binigyan ng misa at departure honors.
Ayon kay Pamittan, miyembro ng 99th Infantry Battalion si Gannaban sa ilalim ng 6th Infantry Division at siya ay itinalaga sa Maguindabao Del Sur.
Sinabi ni Pamittan na nagsasagawa ng military checkpoint operation ang mga sundalo sa Brgy. Pigatin, Datu Salibo, nang biglang sumulpot ang nasa 20 miyembro ng Dawla Islamiya na armado ng m14 at m16 rifle at pinapatukan sila na nagbunsod ng labanan.
Tinamaan ang tatlong sundalo kung saan si Gannaban ay dead on the spot habang ang dalawa sina ay ginagamot sa medical facility ng 6th ID.
Sinabi ni Pamittan na wala pang isang taon sa serbisyo si Gannaban matapos na siya ang magtapos ng kanyang pagsasanay noong December 2023.
Siya ay wala pang asawa, may kasintahan at may isang kapatid na babae.