Naiuwi na ang mga labi ng Cagayanong kadete na namatay matapos umanong malunod sa swimming pool ng Philippine Military Academy (PMA).
Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo ng nakatatandang kapatid ni cadet 4th class Mario Telan, Jr na si Liezl Telan Binasoy, pasado alas -9:00 kagabi ng dumating ang mga labi nito sa Barangay Divisoria, Enrile, Cagayan mula Baguio city.
Una rito, nanawagan ng imbestigasyon ang pamilya telan upang matukoy ang tunay na ikinamatay ng plebo nang mapanatag ang kanilang kalooban.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Baguio City Police Office, walang nakikitang foul play sa pagkamatay nito subalit tinitignan kung may pananagutan ang swimming instructor sa sinapit ng kadete.