TUGUEGARAO CITY-Inaasahang darating sa lungsod ng Tuguegarao ang labi ng sundalo na kasama sa mga namatay sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu,bukas, Agosto 26, 2020 lulan ang C130 plane mula sa Villamor Airbase.

Kaugnay nito, nanawagan ng hustisya si Carolyn Cuarteros para sa asawang si SSGT Louie Cuarteros ng 21st Infantry Battalion Philippine Army na tubong barangay Cataggaman Nuevo, Tuguegarao city.

Sa panayam ng Bombo Radyo, ikinuwento ni Carolyn na bago ang pagsabog ay tumawag pa ang kanyang mister at pinayuhang bumili ng kanilang mga kakailanganin dahil isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod.

Dahil dito, laking gulat ni Carolyn nang tumawag sakanya ang Battalion commander ng kanyang asawa at ipinagbigay alam ang nangyari sakanyang mister.

Ayon kay Carolyn, namatay ang kanyang asawa habang ginagamot matapos magtamo ng malubhang sugat sa kanyang paa.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya,nakatakda sanang uuwi ang kanyang asawa sa susunod na buwan para ipagdiwang ang kanilang kaarawan ng kanyang anak na sampung buwang gulang sa buwan ng Oktubre.

Nabatid na 15 taon na sa serbisyo si Ssgt Courteros.

Tinig ni Carolyn Cuarteros

Umaapela si Carolyn sa mga otoridad na palawigin ng dalawang araw ang tatlong araw na dapat itagal ng burol na siyang umiiral dahil sa covid-19 pandemic.

Ito ay para mabigyan ng pahabang panahon na makasama ang kanyang asawa dahil bihira lamang silang nagkasama simula noong ikasal sila noong 2016.

Napag-alaman na matapos ang kanilang kasal ay pumunta sa bansa si Carolyn dahil may mga tinutulungang kapatid at noong 2018 ay pinauwi siya ng kanyang mister para bumuo ng pamilya at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Tinig ni Carolyn Cuarteros

Matatandaan,15 katao ang nasawi kabilang ang walong sundalo , isang pulis at anim na sibilyan habang 78 ang sugatan sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.