TUGUEGARAO CITY- Magsasagawa ng malaking kilos protesta ang labor groups kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day sa August 26,2019.
Sinabi ni Bong Labog, national chairman ng Kilusang Mayo Uno na ito ay para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill.
Binigyan diin ni Labog na taliwas ito sa campaign promise ng pangulo na tapusin ang contractualization.
Ayon kay Labog, igigiit din nila ang matagal na nilang kahilingan na itaas sa P750 na minimum wage sa mga pribadong manggagawa.
Bukod dito, sinabi ni Labog na hihilingin din nila na gawing uniform ang minimum wage sa buong bansa.
-- ADVERTISEMENT --