Muling pamumunuan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang Senate Blue Ribbon Committee, ilang linggo matapos siyang magbitiw sa posisyon noong Oktubre 6, 2025.

Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagbabalik ni Lacson sa komite, kasunod ng panawagan mula sa ilang senador at sa publiko na siya’y muling mamuno sa makapangyarihang komite na nangunguna sa mga imbestigasyon sa mga isyu ng katiwalian at anomalya sa pamahalaan.

Pansamantalang humalili noon si Senator Erwin Tulfo bilang acting chairman ng komite habang wala pa si Lacson.

Iginiit naman ni Lacson na dapat ay handa si Sotto sa pagbabalik niya sa posisyon dahil ito ay maaaring magdulot ng epekto sa liderato ni Sotto, lalo na kung may mga miyembrong aalis sa majority bloc.

Samantala, nanawagan naman si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na huwag silang idamay sa internal na isyu ng majority bloc at hinikayat ang Senado na manatiling nakatutok sa tunay na mga isyu ng bayan.

-- ADVERTISEMENT --