Ipinahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang pagkadismaya matapos umanong hindi ipinaalam ni Senadora Loren Legarda sa kanilang grupo ang desisyon nitong lumipat ng panig sa gitna ng pagbabago sa liderato ng Senado.

Ayon kay Lacson, nakalulungkot umano na isa sa mga orihinal na kasapi ng dating majority bloc si Legarda ngunit hindi nito sinabi nang maaga ang kanyang plano.

Bagamat iginagalang umano niya ang naging pasya ni Legarda na sumuporta kay Senador Alan Peter Cayetano, sinabi ni Lacson na mas mabuti sanang ipinaalam ito kaysa naging sorpresa sa kanilang hanay.

Tinawag din ni Lacson na “ugly” at “unpleasant” ang nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado noong Lunes.

Noong Lunes, nagkaroon ng leadership change sa Senado bago ang inaasahang pag-transmit ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

-- ADVERTISEMENT --