Inoobliga na ng Department of Health (DOH) RO2 ang mga pampublikong tanggapan at pribadong establisyimento na maglagay ng lactation stations para sa kanilang babaeng empleyado na nagpapasuso ng anak.

Ayon kay Nerissa Mabbayad, breastfeeding program coordinator ng DOH-RO2 na bahagi ito ng kanilang kampanya sa breastfeeding upang matiyak na lalaking malusog at matibay laban sa mga sakit ang mga bata.

Mahalaga kasing maibigay sa bata ang gatas ng ina lalo na kung bagong panganak pa lamang ito.

Sinabi ni Mabbayad na ang naturang room ay magsisilbing lugar upang magpasuso o mag-pump ng kanilang gatas ang mga ina na maaari namang ipunin at iimbak para maiuwi at magamit sa oras na mangailangan ang kanilang sanggol.

Paliwanag ni Mabbayad na kailangan lamang ng isang ligtas, malinis at pribadong lugar upang makapagtayo ng isang lactation station na may mga gamit tulad ng mesa at refrigerator o cooler para sa storage (optional).

-- ADVERTISEMENT --