Umaasa ang Department of Education (DEPED) Kalinga na maisasama sa curriculum ng Senior High School bilang special track ang tradisyunal na paghahabi sa Lubuagan.
Kasabay nito, sinabi ni Ginadine Balagso ng DepEd Kalinga na inaayos na nila ang pondo para sa honorarium ng mga guro na hahawak sa nasabing track kung tuluyan na itong maipatupad sa kanilang lugar.
Nakahanda rin umano ang LGU-Lubuagan na tumulong sa paglalaan ng pondo sa nasabing programa sa pamamagitan ng kanilang special education fund.
Sa ngayon ay inaantay pa lamang nila ang pag-apruba rito ng DEPED Central office.
Matatandaan na sinaksihan mismo ni Education Secretary Leonor Briones ang pagpirma ng kasunduan sa pagitan ng DEPED Kalinga at LGU-Lubuagan para sa implementasyon ng nasabing programa nitong buwan ng Pebrero
Pinuri naman ni briones ang hakbang na ito dahil hindi lamang nito madadagdagan ang kaalaman ng mga estudyante bagkus ay isusulong pa nito ang tradisyon sa paghahabi.
Nabatid na ang paghahabi o laga sa local dialect ay ikinokonsiderang living tradition ng bayan ng Lubuagan at sa katunayan ay ipinagdiriwang ito ng nasabing bayan na tinawag nilang laga festival.