Natagpuan na ang lahat ng biktima sa gumuhong landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, matapos marekober ang labi ng huling biktima nitong Linggo ng umaga, Enero 18.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Region 7 (BFP 7), natagpuan ang labi bandang 5:41 ng umaga.

Patuloy namang tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan nito.

Dahil dito, umabot na sa 36 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa insidente.