๐๐€๐๐€๐‹๐€: ๐’๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š.. Arestado ang isang 44-anyos na lalaki matapos maaktuhang ‘nagsasarili’ habang pinagmamasdan ang isang babae sa Tondo, Maynila.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-10:30 ng umaga, abala ang biktima sa paghuhugas ng pinggan nang mapansin niyang nakatitig sa kanya ang suspek habang nagma-masturbate.

Agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang ama at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Dinala ang suspek sa barangay hall bago tuluyang isinuko sa Womenโ€™s and Children Protection Section ng Manila Police District.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act.

-- ADVERTISEMENT --