TUGUEGARAO CITY-Balik kulungan ang isang lalaki na ikinokonsiderang high value target matapos muling mahuli sa pagbebenta ng illegal na droga sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay P/Lt Col George Cablarda, chief of police ng PNP_Tuguegarao, isiniwalat ng isang Yusofh Cosain ang pagbebenta ng illegal na droga ng suspek na kinilala na si Carlo Jose Santos, 53-anyos ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Una rito, nahuli si Cosain dahil sa illegal na droga nitong nakalipas na araw at sa isinagawang interogasyon ng kapulisan ay isiniwalat nito ang pagbebenta ng illegal na droga ng suspek.

Agad namang nagsagawa ng drug buy bust operation ang kapulisan na sanhi ng pagkahuli ng suspek.

Nakuha sakanya ang 50 gramo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P300,000 at ilang drug paraphernalia.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni cablarda na nagtutungo lamang ang suspek sa lungsod kung may kukuha sakanya ng droga at agad din na bumabalik sa kanilang lugar kung kaya’t nahirapan ang kapulisan sa paghuli dito.

Nabatid na una nang nakulong ang suspek sa Nueva ecija noong 2017 dahil din sa pagbebenta at paggamit ng illegal na droga ngunit nakalaya ito noong 2018

Tinig ni P/Lt Col George Cablarda