TUGUEGARAO CITY- Sasampahan ng kaso ngayong araw na ito ang isang lalaki na nahuli matapos na gumamit ng pekeng pera sa pagbili ng mga karne at longganisa sa Ballesteros, Cagayan.

Sinabi ni PCapt.Gilbert Danga ng PNP Ballesteros na agad na dumulog sa mga pulis si Janice Santiago matapos na malaman na peke ang P1,000 na ibinayad sa kanya ni Jomar Flores ng Quezon City sa mga binili niyang mga karne at longganisa.

Ayon kay Danga, nalaman ni Santiago na peke ang pera nang ikumpara niya ito sa tunay na P1,000.

Sinabi ni Danga na sa kanilang pagtatanong sa suspek, may tatlo pa umano siyang mga kasama subalit nakatakas ang mga ito sa pagresponde ng mga pulis.

May nakuha pang pitong pirasong pekeng tig-P1,000 sa suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, tumanggi ang suspek na sabihin kung saan niya kinuha ang mga nasabing pekeng pera.