TUGUEGARAO CITY- Nahaharap sa kasong falsification of public document ang isang lalaki dahil sa paggamit ng pekeng

resulta ng anti-gen test sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.

Batay sa report ng PNP Sanchez Mira, hinanapan ng antigen test result si Glennford Fronda,27-anyos, residente ng Brgy Iringan, Allacapan at kawani ng Rural Bank of Gattaran na nakabase sa bayan ng Claveria nang dumaan sa checkpoint ng Sanchez Mira.

Sinabi ni Police Major Osmundo Mamanao, hepe ng PNP Sanchez Mira na nagpakita ang suspek ng antigen test result na may petsang July 27.

natuklasan naman na peke ito matapos beripikahin ng mga nakatalagang personnel ng MHO Sanchez Mira sa MHO ng Claveria na nagsabing hindi sila naglabas ng nasabing dokumento dahil wala umano silang record na sumailalim sa antigen test ang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Inamin naman umano ni Fronda na pinalitan niya ang dating nakuhang dokumento na may petsang July 17 ng

July 27.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na may nahuling nameke ng anti-covid 19 certificate ang PNP Sanchez

Mira.