Huli sa entrapment operation ang isang 44 anyos na lalaki matapos magnakaw ng mga kambing sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Kinilala ni PCPL Julieto Mora, imbestigador ng pnp Amulung ang bitkima na si Marifel Verpo,31 anyos at residente ng Brgy.Estefania habang ang suspect naman ay si Alyas Alvin na residente sa Andarayan South, Solana.

Una rito ay umabot pa ng isang linggo bago nagtungo ang biktima sa istasyon ng pulisya upang ireport ang nangyaring pagnanakaw sa kanyang siyam na kambing na nakalagay sa isang farm sa Brgy.Unag.

Agad naman na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad kung saan may nakalap ang mga inutusang magmonitor sa mga karatig bayan tungkol sa ibinibentang mga kambing sa Andarayan South, Solana dahilan upang magtungo ang mga kapulisan sa lugar.

Isinama pa ng mga otoridad ang biktima upang i-verify kung ito nga ang kanyang mga nawawalang kambing at nagsilbi pang buyer ito sa suspect.

-- ADVERTISEMENT --

Pagdating aniya sa lugar ay nakita ng biktima ang anim sa siyam niyang kambing na nakalagay sa kulong kulong dahilan upang matukoy nito na yun nga ang kanyang nawawalang mga alaga.

Dipensa naman ng suspect na binili niya lamang ang siyam na kambing sa kanyang kakilala at hindi nya alam na ninakaw lamang ito.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang posibleng naging katransakyon nito at kung may pagkakataon na talagang involve ang suspect o di kaya siya ay naisahan.

Sa ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa anti-fencing law si alyas Alvin.