Huli sa entrapment operation ng pulisya ang isang 31-anyos na lalaki dahil sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng police clearance sa bayan ng Iguig, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Agonias, residente sa Barangay Ajat na nahaharap sa kasong 5 counts ng Falcification of Public Ducuments.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/S/Sgt. Dexter Peralta ng PNP-Iguig na isa ang nagpanggap na bibili ng limang police clearance sa halagang P500 sa boarding house ng suspek noong August 8 matapos matanggap ang reklamo sa isang concerned citizen kaugnay sa pamemeke ng clearance.
Aminado naman ang suspek na gumagawa siya ng mga pekeng dokumento gamit ang sariling laptap at printer ngunit ikinatwiran niya na tumutulong lamang siya sa mga gustong kumuha ng police clearance kahit pa labag ito sa batas.
Dagdag pa ni Peralta na nakasuhan na ang suspek at inirekomenda ng korte ang P180,000 para sa kanyang piyansa.
Hinikayat ni Peralta ang mga nabiktima ni Agonias na magsampa ng reklamo laban sa suspek na hawak na ng pulisya.
—with reports from Bombo Marvin Cangcang