
Huli ang isang lalaki na nagpaputok ng baril sa bayan ng Gonzaga, Cagayan kahapon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Evo, 48 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing bayan.
Una rito, nakatanggap ng tawag ang PNP Gonzaga mula sa isang residente ay isinumbong ang ginawang pagpapaputok ng baril ng suspek habang sakay ng tricycle sa kahabaan ng Barangay Flourihing, na nagdulot umano ng takot at pangamba sa mga residente sa lugar.
Sa pagresponde ng mga pulis, agad na nahuli ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na nasa 10 gramo, isang dismantled na .45 caliber pistol, isang basyo, isang magazine, limang bala at holster para sa nabanggit na baril.
Matapos ang mga kaukulang proseso, dinala ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya sa Gonzaga Police Station para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Inihahanda na rin ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban rito.










