
Nag-plead guilty ang lalaki na inakusahan ng pagpatay kay dating Japanese prime minister Shinzo Abe sa unang araw ng paglilitis.
Sinabi ni Tetsuya Yamagami, 45-anyos sa korte na lahat ng akusasyon laban sa kanya ay totoo.
Gumamit si Yamagami ng homemade gun sa pagbaril kay Abe sa kanyang political campaign event sa lungsod ng Nara noong 2022.
Una rito, sinabi ni Yamagami sa mga imbestigador na pinuntirya niya si Abe dahil sinisisi niya ito sa umano’y pagsuporta niya sa Unification Church, na mas kilala na “Moonies,” na aniya ay dahilan kaya nabangkarote ang kanyang ina at iba pa niyang kamag-anak.
Sinabi niya na nag-donate umano ang kanyang ina ng kabuuang 100 million yen o $660,000, bilang patunay ng kanyang pananampalataya sa simbahan.
Nagbunsod ang kanyang mga pahayag ng mga imbestigasyon sa simbahan, na nagsimula sa South Korea at kilala ito sa kanilang mass weddings, at nagresulta sa pagbibitiw ng apat na ministro.
Dahil dito, ipinag-utos ng korte nitong buwan ng Marso ngayong taon ang pagbuwag sa simbahan at tinanggalan ng tax exempt status.
Subalit ang ina ni Yamagami, na inasahan na maging testigo, ay hindi nagbago ang kanyang paniniwala, at sinabi sa Japanese media na mas tumatag pa ang kanyang pananampalataya sa simbahan dahil sa pagpatay kay Abe.
Posibleng umabot pa ang paglilitis kay Yamagami sa susunod na taon, dahil sa itinatanggi nito ang mga kaso may kaugnayan sa paglabag sa arms control laws.










