Iniuwi na ng pamilya ang bangkay ng lalaki nagbigti sa Sta. Ana, Cagayan.

Sinabi ni PMsgt. Anatoly Viloria ng PNP Sta.Ana, agad na sinabihan ang pamilya ng nagbigti na si Arnold Mateo,28,may asawa at residente ng Remus, Baggao, Cagayan nang nangyari sa kanilang kaanak.

Sa kanilang imbestigasyon, sinabi ni Viloria na bago ang pagbigti umano ng biktima ay nagpaalam siya sa kanyang kasama sa trabaho sa construction site sa Brngy. Diora-Zungan at sinabing kung hindi siya bumalik sa loob ng 30 minuto, ibig sabihin ay patay na siya.

Hindi naman umano sineryoso ito ng kasamahan sa trabaho kaya tanghali na nang hanapin nila ito at nakita na makabitin na ang biktima sa boom ng backhoe at ang ginamit sa pagpapatiwakal ay ang tali ng kanyang duyan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Viloria na wala naman umanong sinasabi na anumang problema ang biktima.

Ayon pa kay Viloria, wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima batay sa kanilang paunang imbestigasyon