Huli ang isang lalaki sa bayan ng Buguey, Cagayan matapos na magpositibo ang isinilbing search warrant ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ng PNP Buguey ang suspek na si alyas “Erwin,” 58-anyos, walang trabaho at residente sa nasabing bayan.

Nakuha sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Sinabi ng pulisya na hindi naman pumalag ang suspek nang isagawa ang operasyon.

Kasunod nito ay isinagawa ang imbentaryo at documentation sa droga at iba pang bagay na nakuha mula sa suspek na sinaksihan ng dalawang barangay kagawad at kinatawan ng media.

-- ADVERTISEMENT --

Inihahanda na ang mga dokumento para sa inquest proceeedings laban sa suspek para sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, nangako si PCOL Mardito Anguluan, director ng PNP Cagayan na patuloy ang kampanya laban sa iligal na droga at paghuli sa mga sangkot sa nasabing iligal na aktibidad.