Kulong ang isang lalaki sa Kalinga matapos na makuha sa kanyang pag-iingat ang iligal na droga.
Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, isinilbi nila ang search warrant laban sa kanilang target sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga, kung saan nakuha sa pag-iingat ng suspect ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.
Ang hinihinalang shabu ay may timbang na 13.1 grams na may tinatayang nagkakahalaga na mahigit P89,000.
Isinagawa ang pag-imbentaryo sa mga nakumpiskang mga bagay sa suspect sa presensiya mga kinatawan mula sa Department of Justice, media, at isang kagawad ng Brgy. Bulanao.
Dinala naman ang nakumpiska sa suspect sa Tabuk CPS para sa documentation at karagdagang imbestigasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni PCOL James Mangili, acting provincial director ng PNP Kalinga na ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa illigal drugs.