Patay ang isang lalaki na nakuryente at natagpuang nakahandusay sa isang perimeter fence sa Barangay Cataggamman Nuevo, Tuguegarao City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan ni Antonio Soriano, retired marine, ang walang buhay na katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na may hawak umanong mga gulay sa bakuran ng bahay ng kanyang anak nang pakainin nito ang mga panabong na manok, kahapon ng hapon, September 1.
Ang biktima ay nakasuot ng short pants na walang pag-itaas na damit, may taas na 5’2 at katamtaman ang pangangatawan.
Posible umanong nahawakan o natapakan ng biktima ang live wire sa bakod na nakapatay sa kanya.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay at pagkakakilanlan ng biktima.
-- ADVERTISEMENT --