Nanatili sa loob ng tatlong araw ang isang lalaki sa ilalim ng balon na may lalim na 12 metro dahil sa ang mga tao na nakakarinig sa kanyang paghingi ng tulong ay inakala na siya ay ay multo at ayaw na lumapit sa balon.

Hindi malinaw kung ano ang ginagawa ni Liu Chuanyi, 22 years old sa gubat sa border sa pagitan ng Thailand at Myanmar, kung saan nahulog siya sa isang abandonadong balon sa isang maliit na lugar.

Naniniwala ang mga awtoridad na naglalakad siya sa kakahuyan nang mahulog siya sa balon, kung saan nagtamo siya ng matinding injuries, tulad ng fractured wrist at bukol sa kanyang ulo.

Noong una, sumisigaw siya ng tulong, subalit paglipas ng ilang oras, napagtanto niya na mauubos lamang ang kanyang lakas at mawawala ang tsansa niya na mailigtas.

Tama naman siya, dahil sa loob ng tatlong araw ay nanatili siya sa balon na walang pagkain at tubig.

-- ADVERTISEMENT --

Noong una ay tuloy-tuloy ang kanyang pagsigaw ng tulong, at para mapanatili ang kanyang lakas ay sumisigaw na lamang siya isang beses sa loob ng isang oras.

Subalit, walang lumalapit siya sa balon para siya ay tulungan dahil sa inakala ng mga nakakarinig ng kanyang mga panaghoy na isa siyang multo.

Mabuti na lamang at may nagsabi sa mga pulis sa kanilang naririnig na panaghoy mula sa kagubatan, at habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay nakita nila ang balon kung saan nahulog ang lalaki.

Inabot ng 30 minutes ang pagkuha sa lalaki sa nasabing balon.