TUGUEGARAO CITY- Napisak ang ulo ng isang lalaki na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay matapos na magulungan ng isang bus sa pambansang lansangan sa Barangay Alimannao, PeƱablanca, Cagayan.

Sinabi ni PMAJ Harold Ocfemia, chief of police ng PNP-Penablanca na agad silang rumesponde nang may tumawag sa kanila na may aksidente sa nasabing lugar kung saan nadatnan nila ang nakahandusay na biktima na kinilala lamang sa pangalang Ben.

Ayon kay Ocfemia, sa imbestigasyon at batay na rin sa kuha ng CCTV, nag-overtake ang pampasaherong bus sa motorsiklo na sakay ang biktima.

Nasagi ng bus ang motorsiklo na dahilan ng pagkatumba nito at nagulungan ang ulo ng biktima.

Sa kanilang pagtatanong sa driver ng bus na si Theonel Agustin ng Maddela Quirino, hindi umano niya natantiya ang kanyang pag-overtake sa motor.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na papunta sana sa Isabela State University ang bus para kumuha ng mga pasahero.

Sinabi ni Ocfemia na nagkaroon ng amicable settlemt ang may-ari ng bus at ang pamilya ng biktima.