Nilamon ng isang malaking humpback whale ang isang kayaker sa baybayin ng southern Chile bago niya ito iniluwa na wala namang hindi magandang nangyari sa kanya.
Sinabi ni Adrian Simancas, pumunta siya kasama ang kanyang ama sa baybayin sa bayan ng Punta Arenas, nang biglang lumitaw ang balyena at nilamon siya.
Ayon kay Simancas, pakiramdam niya ay may nagbubuhat sa kanya, subalit masyadong malakas na inakala niya ay alon.
Nang lumingon siya, may naramdaman siya na tila may kulay asul at puti na dumaan malapit sa kanyang mukha, at hindi umano niya maipaliwanag ang nangyayari.
At doon niya napagtanto na nilamon siya ng balyena.
Masuwerte si Simancas dahil sa iniluwa siya ng balyena na walang pinsala.
Tumagal ng tatlong segundo ang paglamon ng balyena kay Simancas.