Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng isang pampasaherong bus sa bahagi ng pambansang lansangan sa Barangay San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Alyas Joselito, 58-anyos, at residente ng Brgy. Centro 2, Sta. Praxedes, Cagayan.
Ang driver naman ng bus ay kinilalang si Alyas Salveo, 39-anyos, may-asawa, at residente sa Laoag City, Ilocos Norte.
Batay sa impormasyon, bago ang insidente ay nasa direksyon patungong Junction Luna, Brgy. Libertad, Abulug umano ang naturang bus habang naglalakad naman pauwi ang biktima.
Habang paparating ang bus ay bigla na lamang umanong tumawid sa kalsada ang biktima hanggang sa mabangga ito ng bus at nagulungan pa ang biktima na naging sanhi upang mawasak ang bahagi ng kanyang ulo.
Sa ngayon, isinailalim na sa inquest proceedings para sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide ang driver ng bus.