TUGUEGARAO CITY-Wala ng buhay ang isang lalaki nang matagpuan matapos malunod sa ilog Cagayan na bahagi ng Barangay Redondo sa bayan ng Iguig, Cagayan.
Ayon kay Plt Divina Lagua ng PNP-Iguig, nagtungo ang biktima na si Junior Pastor, 55-anyos sa ilog kasama ang dalawa nitong kasamahan para kumuha ng tulya.
Pumunta umano sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima at dito na nalunod.
Hindi naman agad napansin ng kanyang mga kasamahan ang biktima dahil sa abala sila sa pagkuha ng tulya ngunit nagtaka na lamang sila ng hindi umahon ang biktima.
Sinubukang hanapin ng dalawa nitong kasamahan ang biktima ngunit bigo silang mahanap kung kaya’t kinailangan pa nilang magtawag ng kasamhan.
Sinubukang dalhin sa pagamutan ang biktima nang maiahon sa ilog ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umasikasong duktor.