TUGUEGARAO CITY-Hindi na umabot pang buhay ang isang lalaki matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo nang masangkot sa aksidente sa daan sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ayon kay P/Master Sergeant Stephen Pattaui, imbestigador ng kaso,nang-agaw umano ng linya ang namatay na biktima na si Regie Tablada, 22, residente ng brgy San Francisco, habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Tungel lulan ng kanyang motorsiklo.

Dahil dito, kanyang nakabangga ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Peter Cadduang, 15-anyos.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo si Tablada na sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang dinala naman sa pagamutan partikular dito sa lungsod ng Tuguegarao si Cadduang matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Maswerte namang gasgas lamang ang tinamong sugat ng angkas ni Tablada na si Erwin Pagoran, 13-anyos matapos ang aksidente.

-- ADVERTISEMENT --