
Isang lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa leeg habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga noong pagsalubong ng 2026 sa Barangay Pinagbarilan, Baliwag, Bulacan.
Ayon sa pulisya, bigla na lamang bumagsak ang biktima habang nagdiriwang ng Bagong Taon.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag Police, natunton ng pulisya ang pinanggalingan ng putok ng baril at nadiskubre ang maraming basyo sa harap ng isang bahay.
Lumabas na mula sa 9 mm at .22 caliber na baril ang hindi bababa sa 10 basyo.
Isang barangay kagawad ang dinakip matapos isuko ang dalawang rehistradong baril.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon kay San Pedro, sinabi ng kagawad na pinaputok niya ang kanyang baril sa irrigation canal sa harap ng kanilang bahay.










