Dead on arrival sa pagamutan ang isang 45 anyos na lalaki matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Ballesteros, Cagayan

Kinilala ni PCMSGT Jacob Manalang, imbestigador ng PNP Ballesteros ang biktima na si Rodel delos Santos at residente ng Brgy. Bagu, Abulug habang ang suspect naman ay si Kevin James Ugale, 24 anyos, residente ng Brgy. Ammubuan, Ballesteros na kapwa construction worker.

Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang binabaybay ng dalawa ang provincial road sa Barangay Santa Cruz sa magkabilang direksion at nagbanggaaan sa center lane ng kalsada.

Agad naman na dinala sa pagamutan ang mga ito ngunit idineklarang dead on arrival si Delos Santos ng umasikasong duktor dahil sa lakas ng tama ng pagkabagok ng kanyang ulo habang si Ugale ay inilipat naman sa ibang ospital para sa karagdagang gamutan.

Nabatid na walang headlight ang motorsiklong gamit ng suspek na nataon din na walang kuryente kung kayat madilim sa lugar at madulas ang kalsada dahil kasalukuyang umuulan nang mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --