Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang lalaki sa Barangay Pagala, bayan ng Bucay, nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa mga nakasaksi, kagagaling lamang umano ng biktima sa inuman sa bahay ng kapitbahay at kakarating pa lamang sa kanilang tahanan nang pagbabarilin siya ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo.
Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksyon.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.