Isang lalaki sa Cebu ang lumikha ng isang remote-controlled na laruang ibon bunga ng kanyang pagkahilig sa mga lumilipad na bagay gaya ng eroplano.

Namataan ang laruang ibon ni Sairel Suaton na lumilipad sa himpapawid ng Olango Island.

Ayon kay Suaton, ginamit niya ang plastik, barbecue sticks, at isang electric motor sa paggawa ng proyekto.

Ibinahagi rin niya na kahit may mga pumupuna sa disenyo ng kanyang likha, napatunayan naman umano ng mga video online na talagang lumilipad ito.

Hinikayat niya ang iba na maniwala sa sariling kakayahan.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Suaton, ang susunod niyang proyekto ay isang remote-controlled na laruang submarino.