Na-diagnose na may fungal lung infection ang isang lalaki sa China na nakahiligan na amuyin ang kanyang medyas na ginamit niya ng buong araw.

Na-ospital kamakailan ang nasabing lalaki dahil sa walang tigil na pag-ubo.

Sinabi ng lalaki na lumala ang kanyang ubo sa kabila ng kanyang pag-inom ng mga gamot, hanggang sa tila namamaga na ang kanyang mga mata.

Nakita ng mga doktor sa CT at MRI examinations ng lalaki ang tila anino sa ibaba ng kanyang kanang baga, hanggang sa mapatunayan na mayroon siyang lung disease dahil sa Aspergillus infection.

Nang tanungin ng mga doktor ang lalaki kaugnay sa kanyang kundisyon, sinabi niya na nakahiligan niya na amuyin ang kanyang maruming mga medyas.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pagsusuri sa isang pares ng medyas ng lalaki, may nakita silang Aspergillus, kaya kumbinsido sila na ang hindi magandang hilig niya ang dahilan ng kanyang sakit.