Kinailangan ng isang lalaki sa China na sumailalim sa emergency surgery matapos na maputol ang ugat sa kanyang mukha matapos na kalikutin ang kanyang ilong.

Ayon sa asawa ng lalaki, nakahiligan ng kanyang mister na kalikutin ang loob ng kanyang ilong gamit ang kanyang daliri kung wala siyang ginagawa.

Hanggang sa minsan ay dumugo ang ilong ng lalaki at dahil sa walang tigil sa pagdurugo, dinala siya ng misis sa ospital.

Nakita ng mga doktor na may naputol na ugat ang lalaki, kaya agad siyang isinailalim sa emergency surgery.

Babala ng mga eksperto, ang pagkalikot sa loob ng ilong ay may mataas na panganib ng impeksion, subalit kung ito ay naging nakagawian na, magreresulta ito sa mas marami at mas malaking problema, kabilang ang pagkasira ng nasal mucosa, at ang pinakamalala ay masisira ang blood vessels o tissues sa nasal cavity, o mapuputulan ng ugat.

-- ADVERTISEMENT --