Bangkay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa bakanteng lote sa Barangay Balelleng, Santo Tomas, Isabela.

Batay sa ulat ng pulisya, ginilitan ang lalaki ng isa pang lalaki na tatlong beses umano niyang ginahasa.

Sumuko ang suspek at umamin sa ginawang krimen.

Isinuko rin niya ang patalim na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong homicide.

-- ADVERTISEMENT --