Dahil sa sobrang galit ng isang lalaki na 20 years old at mula sa Taiwan, dinala niya sa korte ang kanyang ina na 64 years old.
Ito ay matapos na itapon ng kanyang ina ang mamahalin na manga collection na wala siyang pahintulot.
Magkasama sa iisang bahay ang mag-ina sa Chiayi City, Taiwan, at sawang-sawa ang ina sa napakarami at lumalaki pa na comic collection ng kanyang anak.
Nang matisod siya dahil sa Titan manga collection ng kanyang anak at nakita niya na bahagyang basa ang mga ito, nagpasiya siya na i-recycle ang mga ito at para magkaroon ng espasyo sa kanilang bahay.
Hindi niya na tinanong ang kanyang anak kung okay lang na itapon ang kanyang 32-volume “Attack on Titan” manga collection.
Nang umuwi ang anak at hindi makita ang nasabing koleksiyon, nagalit siya ng husto na humantong sa pagtawag ng pulis.
Naghain ang anak ng reklamo sa local police at sumunod ay dinala siya sa korte dahil sa pagsira umano ng ina sa kanyang personal collection na wala siyang pahintulot.
Sinabi ng anak sa korte na ang Attack on Titan ay napakasikat na manga, kaya mahirap nang maghanap ng kumpletong collection, dahil ang nasabing 32 volume ay wala na sa print at maituturing na itong ciollector’s item.
Sinabi naman ng ina na mamasa-masa na ang mga ito, at naookupa nito ang malaking espasyo sa kanilang bahay, kaya makatuwiran lamang ang pagtatapon sa nasabing koleksion.
Pinagmulta ng korte ang ina ng 5,000 Taiwanese dollars, na maaari namang community service.
Ayon sa korte, hindi tama na hindi nirespeto ng ina ang property rights ng kanyang anak.
Batay sa Taiwanese media, ayaw pa rin ng anak na makipagkasundo sa kanyang ina.