Nailigtas ng isang makapal na chain necklace ang buhay ng isang lalaki matapos na pinigilan ng kwintas na makapasok ang bala ng baril sa kanyang leeg.

ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril sa isang argumento sa Colorado,USA.

Tinamaan ang kwintas ng lalaki na nakasabit sa kanyang leeg ng bala ng .22 calibre na baril.

Nagkaroon lamang ng sugat sa leeg ang lalaki matapos ang pamamaril.

Sinabi ng pulisya na posibleng ang nagligtas sa buhay ng lalaki ay ang kanyang kwintas na hindi naman tunay na silver.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, kinasuhan ng attempted urder ang pinaghihinalaang gunman na nahuli din sa pinangyarihan ng insidente