Pinasok ng isang lalake sa Maine, USA ang isang bangko at ginawang getaway driver ang walang kamalay-malay niyang ama.
Ayon sa mga pulis, ibinaba ng ama na si Keith Tilton ang kanyang 39-anyos ang anak na si Joseph Donald Tilton sa isang banko sa Lewiston
na ang buong akala ay magpapalit lamang ng tseke
Ang hindi alam ng ama, sa loob lang ng ilang minuto ay naholdap na ng kanyak anak ang banko.
Matapos ang panghoholdap, sumakay muli si Joseph Donald sa sasakyan ng walang kamuwang-muwang na ama.
Dahil nga walang kaalam-alam sa mga pangyayari, dumaan pa si Keith sa harapan ng banko kung saan siya pinara ng isang pulis na nakilala ang sasakyan niya.
Bagama’t inaresto si Joseph Donald sa salang panghoholdap ng $620 (katumbas ng 32,290), hindi na sinampahan ng reklamo ang kanyang ama.