Nahanap ng buhay ang isang lalaking Algerian na nawala mula sa kanyang tahanan noong 1998 sa bodega ng kanyang kapitbahay na 200 metro lang ang layo mula sa kanilang bahay.

17 taong gulang lamang si Omar bin Omran nang mawala siya sa kanilang bahay sa in Djelfa, Algeria noong 1998.

Ito ay noong panahon ng Algerian Civil War, na nagkaroon ng kaguluhan sa African country, at naniwala ang kanyang pamilya at mga kaibigan na kabilang siya sa 200, 000 na namatay, o sa 20, 000 na dinukot.

Itinigil ng mga otoridad ang paghahanap sa kanya, at ang kanyang ina ang hindi sumuko at hindi nawalan ng pag-asa na buhay pa ang kanyang anak.

Subalit, sumakabilang buhay siya noong 2013, kaya marami ang nagsabi na ang kaso ni Omar bin Omran ay isa lamang sa mga kaso na hindi na mareresolba.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong nakalipas na linggo, sinabi sa social media ng kapatid ng isa kapitbahay ni Omar na nagpahiwatig na ang kanyang kapatid ay nasangkot sa pagdukot kay Omar.

Lumabas na ang magkapatid ay may sangkot sa alutan sa kanilang mana, kaya isiniwalat ng isa ang tungkol sa pagdukot, dahil sa akala niya ay aarestuhin ang kanyang kapatid.

Gumana naman ang plano ng lalaki matapos na makita ng isa sa kamag-anak ni Omar ang post, at agad na ipinaalam ito sa pulisya at nagbigay naman ng pahintulot ang public prosecutor’s office ng Algeria para sa paghalughog sa ari-arian ng magkapatid.

Nakita si Omar, na ngayon ay 40 years old na sa lugar na sinabi ng isa sa magkapatid, sa kulungan ng tupa sa ilalim ng mga dayami.

Tinangka ng suspect na 61 years old na tumakas, subalit nahuli siya ng mga pulis.

Si Omar naman ay nagtaka nang makita ang mga pulis na papunta sa kanyang kinaroroonan, at kinumpirma ng mga duktor na siya ay nakakaranas ng physical at mental problems.

Iniimbestigahan ang nasabing kaso, subalit sinabi ni Omar sa mga pulis na madalas niyang nakikita ang kanyang pamilya na dumadaan sa kanyang kulungan, subalit hindi siya makatawag ng tulong sa kanila.