Nabasag ng isang lalaking Indian ang kanyang sariling Guinness World Record sa pamamagitan ng pag-type ng alphabet sa loob ng 25.66 seconds gamit lamang ang keyboard at kanyang ilong.

Unang nagawa ni Vinod Kumar Chaudhary, 44 years old ang kanyang unang Guinness World Record para sa pinakamabilis na oras sa pag-type ng alphabet gamit ang kanyang ilong noong 2023 sa oras na 27.8 seconds, at muli niyang nalampasan sa kaparehong taon sa oras na 26.73 seconds.

Batay sa rules ng record, kailangan na i-type ni Chaudhary ang lahat ng 26 na letra ng Roman alphabet sa standard na QWERTY keyboard na may space sa pagitan ng mga letra.

Hawak din ni Chaudhary ang records para sa pinakamabilis na oras sa pag-type ng alphabet ng paatras gamit ang isang kamay, na may oras na 5.36 seconds, at ang fastest time na pag-type sa alphabet na nasa likod ang kanyang mga kamay sa oras na 6.78 seconds.

Sinabi ni Chaudhary na ang kanyang propesyon ay typing, kaya naisip niya na gumawa ng record mula dito.

-- ADVERTISEMENT --