photo by TFLC IGUIG

Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos makuryente nang umakyat sa isang puno para kunin ang pugad ng isang ibon sa Barangay Salamague, Iguig, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Brian Cuntapay, residente sa Barangay Atulu.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mary Joy Desiesta, medic ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC)- Iguig na inakyat ng biktima ang puno ng mosquito tree sa kanyang pinagta-trabahuang manukan upang kunin ang pugad ng ibon.

Dito na nakuryente ang biktima nang aksidenteng nahawakan ang sanga ng puno na sumabit sa kable ng kuryente.

Tinangka pang itakbo sa ospital ang biktima ngunit, idineklara na itong dead-on-arrival.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan naman si Desiesta sa Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO) na magsagawa ng regular na clearing operation sa mga puno para hindi na maulit ang insidente.